May 6-12, 1998 Volume XVII No. 19

News

Editorials & Opinions

Lazaro remains my teammate-Lina
Ni Irene R. Albajera-CIO

SA pagsapit ng Ika-7 ng Mayo ay muling gugunitain ang pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo bilang isang ganap at natatanging Lunsod sa Lalawigan ng Laguna. Ang kultura ng Lunsod ay isang bahagi ng kasaysayang hindi maaaring isantabi na lamang, kundi marapat na ito ay pahalagahan at bigyan ng karampatang pagkilala.
Ngayong taong ito, 1998 ay sumapit na ang Lunsod sa kanyang ika-58 Anibersaryo, subali’t dahil na rin sa hirap ng pamumuhay at idagdag pa natin ang pagsapit ng eleksyon sa darating na Mayo 11, isang simpleng pagdiriwang ang gaganapin sa Lunsod bilang paggunita sa ika-58 Anibersaryo ng Karta ng Lunsod ng San Pablo sa darating na ika-7 ng Mayo 1998.
At bilang pakikiisa ng lahat ng mga mamamayan, ito ay dadaluhan ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lokal, mga guro, Sangguniang Kabataan , Barangay Chairmen at mga samahang sibiko.
Ang programa ay sisimulan ng isang motorcade sa ganap na ika 7:00 ng umaga na magsisimula sa harap ng kapitolyo, pababa at paikot papuntang Brgy. San Lucas, San Pedro, Dolores, San Buenaventura, San Lorenzo, hanggang St. Angel, San Diego, Sta. Isabel, Concepcion, Schetelig at magtatapos din sa harap ng kapitolyo.
Ang nasabing motorcade ay pangungunahan ng mga kawani ng pamahalaan. Samantalang ipinahayag ng Chairman ng Komitiba Konsehal Aristidy Alcantara na nais ng pamahalaan na gawing simple ngunit makahulugang selebrasyon, kung kaya’t sa halip na isang magastos na pagdiriwang ay gawing makabuluhan upang marami sa Taga-San Pablo ang matulungan. Ang sumusunod na programa ang nakapaloob sa araw na ito. Medical & Dental Mission, na pangungunahan ng Tanggapan ng City Health Office, sa pamumuno ni CHO Officer Dr. Job Brion, Blood Letting & Blood Typing na pangungunahan ng Red Cross sa pakikipagtulungan ni Public Employmenty service Officer (PESO) Rolando Dolorfino, Supplemental Feeding sa pangunguna ng Popcom Officer Gng. Lolita Dayo, na kung saan ang ating mga batang malnourished ay magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng masustansiyang pagkain, at sabay na rin ang pagtingin ng mga ito, Project kalinisan na pamumunuan ng Kalihim ng Punong Lunsod Adolfo J. Vergara sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang samahang sibiko.
Sa okasyong ito ay nananawagan ang mga bumubuo ng Foundation Day Committee ang pakikiisa ng bawat mamamayan sa lunsod upang laolng maging isang matagumpay ang araw na ito at sabay ang paghikayat sa kanilang organisasyon na magkaroon ng proyektong sumasabay sa pagdiriwang ng Foudation Day. Kabilang sa tumutulong ay ang City Information Office, City Treasurers, CCO, CPDS, PNP, PSAF , GSO ,CEO, JUSTICE Office, SK ,ABC, DNR, DA.POP-COM, CBO, CMO,MSC at Annex V.
Samantalang binigyan diin ng kalihim ng Punong lunsod Adolfo J. Vergara na marapat lamang magkaroon ng isang simple ngunit makahulugang selebrasyon at ito ay mipaparating lamang sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbabalik sa kanila ng isang serbisyong makakatulong sa kanilang mga suliranin at pangangailangan. Ito rin ay isang daan ng pagpapakita at pagpapadama sa ating mga kababayan ng pagmamahal mula sa pamunuan ng Lunsod ng San Pablo sa pamumuno ni Mayor Vicente B. Amante.
BACK TO TOP


For questions, comments, suggestions and information, please E-mail us at : heraldgrp@msc.net.ph


This site is sponsored by MSC Computer Training Centre and MSC Communications Technologies, Inc