The Online Publication of the Herald Group of Publications   Ipagdiwang natin ang Kalayaan   May 28 is Flag Day!   
Issue No. 21 May 20 - 26, 1998
Previous Issue

News    Editorial    Opinion    Entertainment    Staff
Laguna | Quezon | National

National

Laguna

Quezon



First Southern Tagalog Printhouse
* Letterpress
* Offset
* Color Separations

Malakas St., Phase
II Farconville Subd.
Brgy. San Gregorio, San Pablo City
Laguna, Philippines
Fax/Tel. Nos. :
  (049) 5627-517; (049) 5624-824



* Books
* School and Office Supplies

17 Rizal Ave. St.,
San Pablo City
(In front of Jollibee)

Tel. No.
  (049) 5627-939
  (049) 5627-940

MSC Communications Technologies, Inc. Your Internet Solutions Provider
MSC Communications Technologies, Inc.
* Internet Dial up Access
* Internet Corporate Access
* Internet Network Access
* Web Site Publishing
* Advanced Desktop Publishing

Artemio B. Fule St.
San Pablo City
Laguna, Philippines
Tel. (049)562-7919

DENR Quezon shares environ tips with scouts and military
(JETH CLAVERIA)

A group of 400 boy scouts from the towns of Pagbilao, Lucban, Sampaloc, Mauban and Tayabas, Quezon held recently a five-day jamborette at the 2nd Mt. Banahaw View Area Jamborette in Pagbilao, Quezon. The scouts from different towns had the usual parade, scout skills competition, clearing and tent pitching and scouts sportsfest. Aside from the scouting activities, the local DENR office was also invited to participate. For a day, the Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Arthur Fadriquela of Pagbilao oriented the youth on DENR policies and programs particularly on ecological waste management and environmental protection.
For the jamborette, the group adopted the theme “Scouts: Kabalikat sa Kaunlaran, Mga Bayani sa Kinabukasan”.
In a related development, CENRO Federico Ocampo of DENR Gumaca was represented by Information Officer Estrella Fiecas and Planning Officer Zenaida Mapalad in a meeting with some military men and barangay officials. On two separate occasions, Fiecas and Mapalad briefed some members of the 15th Special Forces Batallion Command, Philippine Army at Brgy. Rizalino, Pitogo, quezon and barangay officials of Atimonan, Quezon on the DENR mission and vision including programs like reforestation, forest protection and land titling.
According to Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Arthur Serna of Quezon, it is the policy of the DENR to encourage and tap the participation of various sectors of society like the youth, academe, military, LGUs and NGOs in the implementation of its programs and projects to ensure their success. (Lulu M. Bucay)

Back to topBack to top


DEBATE UKOL SA KAWALAN NG TUBIG SA TAYABAS

Tayabas, Quezon – Lumulutang ngayon na ang nangyayaring sisihan sa kung sino ang may kasalanan sa hindi magandang serbisyo ng tubig sa Tayabas ay isang pamumulitika lamang.
Ayon kay dating Tayabas Mayor Dondi Silang, walang dapat sisihin sa hindi magandang serbisyo o kawalang tubig sa nasabing bayan, kundi si dating Governor Eddie Rodriguez. Ito ay dahil sa pahintulot niyang gumana ang Hopewell.
Sinagot naman ni resigned Gov. Rodriguez ang akusasyon ni Silang sa pagsasabing, kung talagang ayaw ni Silang na magbigay ng source ng tubig sa Pagbilao, ay bakit mayroon itong pinirmahang dokumento na nagbibigay pahintulot sa pagbibigay ng tubig sa bayan ng Pagbilao.
Idinagdag pa niya na ang katotohanan ay ayaw mismo ng mga ilang nanunungkulan sa pamahalaan sa nasabing bayan, ganon din ng ilang mga mamamayan, ang pagtaas ng rate ng tubig.
Sinabi pa ni Rodriguez, na nagtataka siya kung bakit siya ang binubuntunan ng sisi sa hindi pagkakaroon ng tubig sa Tayabas gayong sila mismo ang ayaw ma-improve ang kanilang sistema ng patubig.
Ayon na rin sa mga ulat, noong panahon na naghuhukay ang mga tauhan ng Quezon Metropolitan Water District para pagtamnan ng mga tubo ay sinalungat ito ng ibang mga mamamayan doon at iba’y nanghbol pa ng taga.

Back to topBack to top


May-ari ng illegal na palaisdaan binalaan

Binalaan ni Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Chita Curameng ng lokal na Department of Environment and Natural Resources (DENR) office sa Boac, Marinduque ang lahat na may-ari ng mga palaisdaan na walang kaukulang permiso mula sa kinauukulang tanggapan ng pamahalaan. Ito ay kanyang ipinabatid sa mga mamamayan nang siya ay dumalo sa isang sesyon ng Sangguniang Barangay ng Balogo, Sta. Cruz, Marinduque. Siya rin ang namahala sa pagwasak ng isang ektaryang dike ng palaisdaan na itinayo na walang kaukulang permiso buhat sa tanggapan ng DENR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay sinaksihan ng mga opisyales ng nasabing lugar.
Binigyang-diin ni Curameng na kailangang pangalagaan ang bakawan o mangrove swamp sa Marinduque na kung saan nangangaubos ang mga ito dahil sa walang patumanggang paggamit. Ang Department Administrative Order (DAO) No. 8, serye 1987 at Presidential Proclamation No. 2152 ng Disyembre 29, 1981 ay nagdeklara na lahat ng mangrove areas sa probinsiya ay nangangaubos o nawawala na kaya’t kailangang pangalagaan ito. Kaugnay nito, ang maliliit na yamang-dagat ay mawawalan din ng tirahan na siya namang inaasahan ng maliliit na mangingisda. Ang kawalan ng mangrove areas ay nagdudulot din ng panganib sa buhay ng tao at ari-arian tuwing may malakas na bagyo. Ito ang nagiging panangga sa malalakas na hangin at unos. Hinimok din ni Curameng ang mga lokal na opisyal na maging aktibo laban sa ilegal na mga gawain tulad nito na kung saan sila rin ang mabibiyayaan at makikinabang. Kanyang pinasalamatan ang mga opisyales at mga mamamayan sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga programa at proyekto ng DENR.

Back to topBack to top



10th pawikan rescued

Tagkawayan, Quezon - A loggerhead turtle was rescued last March 26, 1998 in Barangay Katimo of this town by Marcelino Holar, a fisherman from the said barangay. This is the tenth pawikan (marine turtle) rescued by BWF and local fisherfolk since last year. According to Holar, he sighted the pawikan swimming in a fishpen, so he rescued it, fearing that it may suffer a worse fate if it fell on wrong hands.
Dina Dayandante, president of Kabataan Para sa Kalikasan (KPK, “Youth for Nature”) rushed to Barangay Katimo upon learning about the incident to place a tag on the rescued pawikan. The KPK is a youth organization supported by BWF, which in turn is a non-government organization authorized by the Department of Environment and Natural Resources - Protected Areas and Wildlife Bureau (DENR-PAWB) to tag rescued pawikans.
The loggerhead measured 30 inches long and 28.5 inches wide. A tag numbered P10189 was attached to it before it was released on Acha Reef, Tagkawayan, Quezon through the help of KPK member Archie Escultura. (Lifted from Balik Kalikasan

Back to topBack to top



Dengue, H-Fever, laganap
ni Leve Sadiwa

Muli na namang nananalasa sa lalawigan ng Quezon ang nakamamatay na sakit na Dengue H-fever.
Sa ulat ng Provincial Health Office ng Quezon, may anim na tao na ang namatay sa nasabing sakit samantalang may mahigit na sa 150 katao naman ang nagtataglay ng sakit na Dengue Fever. Ito ay mula sa buwan ng Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan.
Ang sakit na Dengue Fever ay nakukuha sa kagat ng lamok na parating tumitigil sa mga maruming lugar o sa alinmang bahagi ng bahay gaya ng alulod ng bubong, mga plorera na di napapalitan ng tubig. Kalimitan ding pinamamahayan ng lamok ang labas o likod ng bahay na di nalilinisan araw-araw.
Noong nakaraang taon, marami na ring tao ang namatay sa sakit na ito sa lungsod ng Lucena at sa buong lalawigan ng Quezon dahilan na rin sa kapabayaan at pagbabawalang-bahala ng marami sa nasabing sakit.
Sa bilang na anim na kataong namatay na sa sakit na Dengue habang ang mahigit sa 150 katao ay ginagamot pa sa sakit na ito, masasabi natin na nakakaalarma na ang sakit na ito at kailangang-kailangan talaga ang tulong ng pamahalaan at ang pagbibigay ng mga impormasyon sa ating mga kababayan laong-lalo na doon sa mga nasa liblib na lugar upang maiwasan ng mga tao ang pagkakaroon ng sakit na ito.
Ilan sa mga palatandaan ng sakit na Dengue ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat ng biktima na hindi kaagad gumagaling, pagdugo ng ilong at pamamantal ng balat ng biktima.
Kung ang bawat isa sa atin ay mapananatili ang kalinisan sa loob at labas ng bahay, ito’y isa nang paraan ng paglaban sa sakit na Dengue Fever. Bukod dito, ang paggamit ng mga water-based insecticide o mga pambomba sa lamok ay maaari ding gawin upang hindi na makapasok ang mga lamok sa loob ng bahay. Ang pagkakabit ng kulambo sa pagtulog ay isa ring paraan ng pag-iwas sa kagat ng lamok at paglaban sa sakit na Dengue H-Fever.

Back to topBack to top


The Wednesday Herald Online is the official website of the Herald Group of Publications. Published weekly and sponsored by the MSC Computer Training Center and MSC Communications Technologies, Inc., it covers the Southern Tagalog Area particularly the provinces of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon (CALABARZON), and Metro Manila, PHILIPPINES.

For more information regarding this site, you may contact us through our E-mail (heraldgrp@msc.net.ph).